HELP OUR OFW
This letter was
emailed to me by a friend who is currently working in UAE.
Paalala
sa mag Vi-Visit Visa Sa UAE
by (Author name –
protected) on Sunday, January 16, 2011 at 5:21pm
Alam nyo ba ang
bagong "MODUS
OPERANDI" ng mga kurakot sa ating bayan,
nakakahiya mang
isipin ngunit totoo.
Sa bawat kababayan
natin na umaalis patungong Dubai, may bagong patakaran at yan ay "SUPPORTING PESOS"
kung tawagin, bukod sa mga papeles na hinihingi ng isang immigration officer,
kapag ika'y magtutungo sa bayan ng Middle East partikular sa Dubai, may isang
documento silang hinihingi at kapag sa palagay nilang ikaw ay bibigay, io-off
load ka nila sa anong dahilan "KAKULANGAN
SA PAPELES" ika nila pero sa iyong pagkaka-alam at ng
taong nag-visit visa sa iyo ay tama ang papeles na 'AUTHENTICATED BY THE EMBASSY OF THE
PHILIPPINES, ABU DHABI", sasabihin nila na di ka
makaaalis, hihingan ka nila ng sinasabi Nilang mga papers na kailangan pa tulad
ng 'AFFIDAVIT OF
SUPPORT' ng sponsor mo, eh! itong mga Immigration officer ay
napaka-t@nga din, makahihingi ka ba ng affidavit na hinihingi nila kung ang
visa mo ay from a company siguro naman di kaila na ang "COMPANY SPONSORED"
on visit visa ay di makahihingi ng ganon sa dahilang di pipirma ang may-ari ng
kumpanya at di basta-basta na mahihingi ito sa isang kumapanya lalo na't
malaking kumpanya ang pinang-galingan ng visa mo.
Kapag nag-inquire ka
sa Embassy sa Abu Dhabi sasabihin nila na wala silang advise from Philippine
Government na may bagong hinihingi, tama sila dahil kapag nagpa-authentivate ka
ng papel mo, chini-check nila ito at kung hindi kumpleto di nila ito gagawin.
Ang di ko maintindihan bakit ang Immigration sa ating bansa ay humihingi ng
ganito ngunit di alam ng Embassy sa Abu Dhabi, ang gulo di ba. O sige para
maliwanagan ka sasabihin ko sa inyo kung ano ang papeles na hinihingi nila
hindi ito isang papeles dahil nakaraming pages...mabilang mo kaya ang bundle ng
1,000 or
500 peso bill
na may halagang 6,000
pesos at nakapaloob sa isang puting envelope, oo, tama ka yan
ang tinatawag na "SUPPORTING
PESOS", nakaka-alarma di bah! biro mo ang dami nun para
ma-check so ang gagawin nila ganito, i-detalye ko hah!;
1. pagpunta mo ng
Manila airport, kumpleto ang papeles mo at alam mong o.k., not to mention
authenticated yan ng Embassy sa Abu Dhabi
2. Pag-check in mo sa
airport natin, may mga taong naka-abang at naka-radyo (alam mo na kung ano yon)
tapos iche-check nila ang visa mo, di o.k. may original ka.
3. Pagdating mo sa
airline counter, they will check your ticket and passport and they would ask
for your visa copy or original, napakita mo na tapos pasok ka na sa Immigration
para matatakan ng "EXIT"
stamp ang pasaporte mo.
4. Eto na ang
ikagugulat mo, che-chekin nila passport mo along with your documents at
original visa, di meron ka non tapos yung AUTHENTICATED documents mo o.k. din,
eto na may hihingin silang certain document na alam nila wala sa mga papeles
mo, tapos alam mo susunod, sasabihin sa iyo na kausapin mo yung Immigration
Supervisor, papupuntahin ka nila sa office nila at doon, doon mangyayari ang
transaction; bale kahit anong paliwanag at maka-awa mo, umiyak ka man ng dugo,
maghubad ka man, igigiit nila na di ka makakaalis at alam mo ba bakit! kahit na
kumpleto ang papeles mo di ka pa rin aalis bakit kamo dahil sabi nga ng
Immigration Supervisor na ito na may kulang; ano yon? eto magugulat ka na lang
dahil tatatakan ang boarding pass mo na "OFF LOAD" di symepre MEGA gulat ka
at yung iba iiyak pa, pero pag-labas mo may bubulong sa iyo sasabihin ano, eto
"MAY 6,000 NA BOND"
tanong mo para saan, eh!
San pa di yan ang
"SUPPORTING PESOS"
kung tawagin, makaaalis ka lang kung may 6,000 pesos ka na kailangan mong
ilagay sa white envelope and the next time you go, kailangan dala mo ang white
envelope na may lamang 6,000 pesos at eto pa ang sistema, may mage-escort sa
iyo at bubulongan ka na kailangan pumunta ka sa opisina at iiwan mo ang
boarding pass mo kasabay nito ang white envelope na kapatong ng boarding pass
mo at sasabihin mo na lalabas ka lang dahil may nakalimutan ka at pagbalik mo
'WA NA WHITE ENVELOPE"
syempre di naman nag-magic yon kundi naitabi na at babalik ka at pipila ulit at
itong KURAKOT na Immigration Officer ay kunwari pagagalitan ka pero panay naman
ang tatak sa passport mo.
Ayan o.k. na
makakaalis ka na. Di ba't nakapanlulumong isipin na bukod sa tayo ng mga OFW
ang tumutulong sa ating ekonomiya ay tayo pa ang nade-denggoy, hindi tama ito
at marami na ang nabiktima, sino pa kaya ang susunod, alin pa kayang bansa ang
susunod, sana matigil na.
Isang paki-usap lang
mga kababayan ko, wag kayong matakot na isuplong or mag-sumbong dahil tama ang
ginagawa mo dapat mong kalusin ang mgagobyernong tiwali lalo na ang mga KURAKOT
sa gobyerno.
Ito pa isang babala,
kapag balak mong i-visit visa ang kamag-anak mo, sabihin mo na tandaan nya ang
pangalan ng isang babae na may "BULONG",
sya ang bubulong sa iyo at mage-escort sa iyo, itsura nya eto, "MALIIT NA MEDYO MAHABA ANG BUHOK, MAY
KATABAAN ",
At tandaan mo ang
pangalan ng Immigration Officer, isa na dito si 'JUSAY WINNEFREDO" May reklamo ng
nakahain sa kanila ngunit kailangan pa ng iba pang katibayan para madiin sila,
kung sa palagay mo isa ka sa na-denggoy nila, bakit di mo subukan na gumawa ng
reklamo, oo, kailangan nila ng written
at kopya ng passport mo, at huwag kang matakot dahil ina-assure
ko sa iyo na di ka madadawit dahil magiging HIGHLY CONFIDENTIAL ang reklamo mo.
Sinubukan na rin
namin na ipaalam ito sa Mission
X ngunit kailangan nila ng isang malakas ang loob na
mag-reklamo at pumunta sa kanilang opisina ngunit syempre di natin magagawa yon
sa dahilang nandito na ang taong nabiktima, pero sa paglantad mo, matutulungan
mo ang kapwa natin kababayan, hindi tayo nagpunta sa lugar na ito at mawalay sa
ting mga minamahal para bigyan sila ng pinag-hirapan natin, napaka-daling
negosyo ang ginagawa nila and to what expense, syempre from the POCKET OF OVERSEAS FILIPINO WORKERS".
Ganon din sa ating
Embassy, kailangan nila ng letter of complaint para makastigo itong mga G@G*NG
OPISYAL NG GOBYERNO.
Huwag kang magtaka
kung minsan mabiktima ka rin nila.
KAYA MGA KABABAYAN
KO, MAGTULUNGAN TAYO PARA MASUGPO ANG MGA ASONG UL*L
SA GOBYERNO, ANG
HILING KO IKALAT NYO ANG E-MAIL NA ITO SA LAHAT NG
TAONG KILALA NYO
HINDI LANG DITO SA U.A.E. KUNDI SA MISMONG BANSA NATIN "PILIPINAS".
Para sa kadakilaan ng
Migranteng Pilipino.
living in the dark.........
ReplyDelete